Naranasan mo na bang makasagap ng mga magagandang salita habang naglalakad sa tabing kalye? Hindi dahil may nadinig kang mga nagkwekwentuhang mga ale sa bangketa, ngunit hindi ba'y ika'y may naririnig ding bumubulong sa 'yong isip habang ika'y naglalakad papunta sa iyong destinasyon o habang pauwi?

Nakasakay man sa dyip, tren or trisikel, mayroong boses na nagsasalita tungkol sa mga bagay-bagay na ating nakikita, kung hindi tayo napapangiti, minsan tayo'y napapa-isip ng malalim nito, na para bang hindi tayo naglalakad, kundi nakasakay lang sa ating katawan at tayo mismo'y nasa isip natin, nanunuod, nagmamasid, o hindi kaya, wala man sa malay natin, tayo na'y tumutula.

Ang munting librong itoy ay base sa mga nasagap ni Marius Black (isang pintor at part-time manunulat) sa mga nasaksihan nya't na pulot na mga kwento't hinabing maging tula sa paglalakad at lakbay sa pagligid ng Maynila. May kaunting salitang kanto, pagkabastos, at pagkapranka't kaunting tunog tiga-Tondo't Blumentritt ang kanyang tono sa mga tula, paunlakan si'ya at basahin ang kanyang Mga Napulot na Tula Sa Tabing Kalye.

A total of 40 poems written in 2010-2023 and self-published in 2023 by Marius Black

🎵 Listen to the poems turned to songs in this playlist: